Naiwang pamilya ng Maguindanao masaker victims nagsisisi kay PNoy

MANILA, Philippines – Dismayado ang naiwang kamag-anak ng  mga biktima ng Maguindanao massacre kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa mabagal na pag-usad kaso.

Sinabi ng abogadong si Harry Roque na sa pakiramdam nila ay tinalikuran sila ni Aquino sa kanilang laban.

Dagdag ng abogado na pinagsisisihan nila ngayon ang ginawang pagsuporta kay Aquino noong nangangampanya pa lamang ito dahil sa paniwalang matutulungan sila.

"So we feel particularly betrayed, so to speak, because we were the victims who stood for him, and who told him [that] we believe in him. And I'm starting to regret that we actually did," pahayag ni Roque sa isang panayam sa telebisyon.

“It was only my victims (clients), in fact, who said 'As victims, we will endorse Noynoy Aquino because we think under his leadership, we can achieve justice,'" dagdag niya.

Apat na taon na ang nakakalipas mula nang maganap ang malagim na pagpatay sa 58 katao, kabilang ang ilang mamamahayag sa Maguindao at sa kasalukuyan ay 106 pa lamang ang napapanagot, habang 88 pa ang nagtatago.

"It's frustrating," sabi ni Roque na idinagdag na tanging 148 as 500 na testigo pa lamang ang humaharap sa pagdinig.

Sinabi pa ni Roque na hindi pa rin tapos ang Philippine National Police sa pangangalap ng physical evidence para sa kaso.

Aniya mabagal ang paggulong ng hustisya sa Pilipinas at sa tingin niya ay hindi ito matatapo sa panahon ni Aquino.

"I would hope it (prosecution) will be during my lifetime," banggit ni Roque. "Until we send people behind bars, the killings will continue."

Show comments