'Oplan Hatid' balik Villamor Air Base

MANILA, Philippines – Balik Villamor Air Base na ang “Oplan Hatid” matapos ang paglipat sa Camp Aguinaldo ng mga volunteers at survivor ng bagyong “Yolanda” na mula ng Eastern Visayas.

Muling pupuwesto ang processing center ng mga biktima ng bagyo sa air base sa Pasay City matapos ilipat nitong Huweses sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Nilinaw nang Philippine Air Force, na silang namamahala sa Villamor Air Base, na nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  ang kautusang dalhin sa Camp Crame ang mga volunteer works at Yolanda survivors.

Naunang nagpahayag ang grupong Oplan Salubong na huwag nang haluan ng politika ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo.

Dahil dito ay huimingi ng paumanhin ang Department if Social and Welfare Development sa grupo.

“We deeply apologize to all our volunteers who have been affected by the multiple changes in the past 2 days. Do know that the volunteer organizers behind Operation Salubong are doing our best to coordinate with DSWD and the Joint Task Force that have taken over this operation," pahayag ng ni DSWD Regional Director Alice Bonoan  sa kanilang Facebook page.

Sa huling tala ng NDRRMC ay nasa 4,015 na ang kumpirmadong patay kay Yolanda, habang 1,062 pa ang nawawala.

Kaugnay na balita: 4,015 na patay, 1,602 pa nawawala kay 'Yolanda'

Sinabi pa ng NDRRMC na higit 10 milyong katao ang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 4-A-, 4-B, 5, 6,7 , 8, 10, 11 at Caraga, habang 380,000 dito ay nananalaginpa sa 1,529 na evacuation centers.

Show comments