^

Balita Ngayon

'Hoarding' ng relief goods iimbestigahan ng DSWD

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paiimbestigahan ni Social Welfare Secretary Corazon "Dinky" Soliman ang mga ulat na may nag-iimbak ng relief goods na para sana sa mga biktima ng bagyong â€œYolanda.”  

Sinabi ni Soliman na maaaring makasuhan ang mga mapapatunayang nagtatago ng mga donasyon mula sa buong mundo.

"Puwede silang kasuhan kapag ganyan," pahayag ni Soliman sa isang panayam sa radyo ngayong Huwebes.

Sinabi ng kalihim na dapat ay ipamahagi ang tulong sa mga nangangailangan sa lalong madaling panahon.

"Amin pong papupuntahan ... ngayong araw para malaman at kakausapin sila na hindi pwedeng hindi niyo pinamimigay at iniimbak ang mga bigas," dagdag ni Soliman.

Nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na umaapaw na ang mga tulong sa mga warehouse dahil hindi pa ito mapamahagi.

Depensa ng mga lokal na opisyal na kulang sila sa mga trak at petrolyo upang maipamahagi ang relief goods.

"Pero may nakita akong delivery kahapon pa. Alam ko 'yung sa World Food Program either kahapon o nung isang araw pa inilabas," sabi ni Roxas nitong Miyerkules.

Mahigit apat na libong katao na ang naitalang nasawi kay Yolanda, habang nasa 1,052 pa rin ang nawawala.

ALAM

SINABI

SOCIAL WELFARE SECRETARY

SOLIMAN

WORLD FOOD PROGRAM

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with