MANILA, Philippines – “This fight is for you.â€
Ito ang mensahe ni Filipino Boxing Icon sa mga Pilipino lalo na sa mga biktima ng bagyong “Yolanda†sa Visayas.
Sinabi ito ni Pacquiao Miyerkules ng gabi ilang araw bago ang inaabangang bakbakan nila ni Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Cotai Arena, Venitian Resort sa Macau.
"I'm doing my best to win this fight and give a good fight especially with what happened to my countrymen," pahayag ng boksingero at kongresista.
"To all the people and the families who have been affected by this storm, the typhoon -- this fight is for you," dagdag niya.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umabot na sa 4,011 katao ang kumpirmadong patay karamihan dito ay mula sa Tacloban City.
Kaugnay na balita: Higit 4,000 na patay kay 'Yolanda'
Dagdag ng NDRRMC na 18,557 ang sugatan, habang 1,602 pa ang nawawala matapos tumama si Yolanda noong Nobyembre 8.
Samantala, sinabi ni Pacquiao na pagkatapos ng kanyang laban ay tutulak siya sa mga sinalantang lugar ng bagyo upang magbigay ng tulong.
Kaugnay na balita: Kampo ni Pacquiao at Rios nagpang-abot sa gym!
Inihayag ng eight-division champion ang kanyang kagustuhang kaagad bumisita sa mga binayo ni Yolanda noong Nobyember 8 ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang coach na si Freddie Roach dahil sa nalalapit na laban.
Tangka ni Pacquiao na bumangon mula sa dalawang magkasunod na pagkatalo na natamo kay Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.