Metro Manila Council ipapatupad ang 'adopt a town' sa Eastern Visayas
MANILA, Philippines – Upang mapabilis ang pagbangon ng mga bayan na sinalanta ng bagyong “Yolanda†napagkasunduan ng Metro Manila Council na ilunsad ang “adopt-a-town†na programa.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino na nagkasundo ang 16 alkalde sa Metro Manila na tulungang magsimulang muli ang mga bayang sinira ni Yolanda.
Narito ang listahan ng mga lungsod ng Metro Manila at ang kanilang aampuning bayan:
· Quezon City - Palampon, Tolosa, Sante Fe in Leyte
· Pasig City- Mayorga, Palo, Barotac Viejo and Nuevo and Dumangas in Iloilo
· Mandaluyong City – Isabel and Tanauan, Leyte
· Marikina City – Hernani and Lorente, Eastern Samar
· San Juan - Ormoc City and Albuera, Leyte
· Taguig City - Gen. McArthur, Guiuan, Salcedo, Mercedes, and Quinapondan in Eastern Samar
· Las Pinas City – Julita and Dulag, Leyte
· Caloocan City – Abayog, Mc Arthur, La Paz in Leyte
· Malabon City – Bogo, Cebu
· Navotas City – Lawaan and Giporlos, Eastern Samar
· Valenzuela City – Basey and Marabut in Western Samar
· Parañaque City – Maydolong and Balanginga, Eastern Samar
· Pasay City – Barauen, Tabon-Tabon, Dagami in Leyte
· Muntinlipa City – Alang-Alang and Jaro in Leyte
· Manila – Balangkayan and Taft in Eastern Samar
· Makati City – Carigara, Leyte
Samantala, ang MMDA ang tutulong sa Coron, Palawan at Sulat, Eastern Samar.
Napagkasunduan ang adopt-a-town scheme nang magpulong ang MMC para sa isang emergency meeting nitong nakaraang linggo.
Layunin ng programa na tutulungan ng bawat lungsod sa Metro Manila ang kanilang mga inampong bayan sa loob ng isang taon para sa post-recovery operations.
- Latest
- Trending