^

Balita Ngayon

Alkalde ng Tacloban walang paki kung paimbestigahan ni PNoy

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang pakialam si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kung totoo ang mga balitang pina-iimbestigahan siya ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y kapabayaan niya sa paghahanda sa paghagupit ng bagyong “Yolanda.”

Sinabi ni Romualdez sa isang panayam sa telebisyon ngayong Martes na ayos lamang sa kanya kung totoo ngang pinaiimbestigahan siya ni Aquino basta’t hindi magkukulang ang gobyerno sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo partikular sa nasasakupan niya.

“It's the prerogative of the president to investigate me anytime,” pahayag ng alkalde.

“Whatever the president wants to do with me that is fine as long as he helps our community,” dagdag niya.

Nakaiusap din si Romualdez na unahin muna ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ni Yolanda bago ang iba pang bagay.

“Let's just attend to the relief efforts muna,” hiling ng alkalde.

Nilinaw din niyang hindi naman nagkulang sa koordinasyon ang lokal na pamahalaan at ang national government at kahit papaano ay naghanda naman ang Tacloban City.

“There was never a lack of coordination between the national government and local government,” sabi ni Romualdez na binanggit din na bago tumama ang bagyo ay nagkausap na sila ni Interior secretary Mar Roxas.

“Even secretary Roxas told me that I did everything I could,” dagdag niya.

Samantala, sinabi rin ni Romualdez na kumikilos naman ang lokal na pamahalaan.

“We can deliver basic service. Ang concentration namin ay tumulong sa mga nabiktima.”

Naunang sinisi ni Pa­ngulong Aquino ang local executives ng Tacloban City dahil sa hindi ito preparado kaya marami ang naging biktima ng bagyo.

Kaugnay na balita: PNoy nag walkout sa disaster meeting

Ipinangako kahapon ng Pangulong Benigno Aquino III  na hindi siya aalis ng Leyte hanggat hindi okay ang sitwasyon at kalagayan ng mga naging biktima ng super bagyong si ‘Yolanda’.

Kaugnay na balita: Hangga’t hindi okay ang lahat, PNoy ‘di aalis ng Leyte

Ayon sa Pangulo, nais niyang damayan sa masaklap na karanasan ang mga residente sa Leyte kaya personal niyang tutukan ang relief operations ng gobyerno

Wika pa ng Pangulo, sa nakalipas na isang linggo ay hindi nangyari ang mga inaasahan niya kaya mainam na siya na mismo ang tututok.

AQUINO

KAUGNAY

LEYTE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ROMUALDEZ

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with