Indie films future ng pelikulang pinoy - Joel Torre
MANILA, Philippines – “This is the future of film-making!â€
Ang paggawa ng mga independent films o mas kilala sa tawag na Indie films ang sa tingin ng batikang aktor na si Joel Torre sa kahihinatnan ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.
Nasabi ito ni Joel matapos kilalaning best actor sa Cinema One Originals Plus category para sa pelikulang “Kabisera.â€
Ilang pagkilala na rin ang natanggap ng artist/businessman patunay ang kanyang pagkabihasa sa harap ng camera pero inamin niyang muntik na niyang hindi ituloy ang pagsalang sa Kabisera.
“Napakalaki ng demands ng film. I was kind of scared kung kaya ko o hindi,†kuwento ni Joel na may restaurant din.
“So I’m really happy for this award. We worked hard for this,†dagdag niya.
Samantala, masaya rin si Joel sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin na si Alfonso Torre III o “Borgy†bilang Best Director sa parehong pelikula.
“I’m very happy for Borgy,†banggit ni Joel. “His first feature film nanalo siya agad, for short film nanalo rin siya. I think we have a winner in him!â€
- Latest
- Trending