^

Balita Ngayon

Militar tiniyak na maaabot ng Yolanda survivors ang mga donasyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro ng isang opisyal ng militar ngayong Lunes na makakarating sa mga nasalanta ng bagyo ang bumubuhos na donasyon mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sinabi ni Lt. Gen. Caesar Ronni Ordoyo, pinuno ng Southern Luzon Command, na nagdagdag sila ng 500 sundalo sa Visayas partikular sa probinsya ng Samar at Leyte.

"This is proof of the overwhelming support and response by our Filipino compatriots to help our fellowmen reeling from the havoc," pahayag ni Ordoyo.

Kabilang sa mga ipinadala ng militar ang mga tauhan ng Naval Forces for Southern Luzon Command, Tactical Operations Group 5 at kanilang mga doktor, nars at emergency responders

Dagdag niya na kasama rin ng grupo ang mga sundalo mula sa 9th Infantry Division of the Philippine Army.

Una nang tumulak pa kabisayaan ang mga miyembro ng 1st Special Forces Battalion at 565th Engineer and Construction Battalion, ayon pa kay Ordoyo.

"Please be assured that every donation you give will reach the Yolanda victims," ani Ordoyo.

Sinabi pa ni Ordoyo na 13,800 supot na ng relief goods ang kanilang naipamahagi sa mga biktima ni Yolanda.

CAESAR RONNI ORDOYO

ENGINEER AND CONSTRUCTION BATTALION

INFANTRY DIVISION OF THE PHILIPPINE ARMY

NAVAL FORCES

ORDOYO

SINABI

SOUTHERN LUZON COMMAND

SPECIAL FORCES BATTALION

TACTICAL OPERATIONS GROUP

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with