^

Balita Ngayon

Looting sa Tacloban napuksa na - PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kontrolado na ang “looting” na nagaganap sa mga lugar na winasak ng bagyong “Yolanda,” ayon sa mga awtoridad ngayong Biyernes.

Sinabi ni Police spokesperson Senior Supeintendent Wilben Mayor na mahigpit na ang seguridad ng pinagsamang puwersa ng pulis at militar sa Eastern Visayas partikular sa Tacloban City.

"The lootings have been contained.The situation has stabilized because of the presence of policemen," banggit ni Mayor.

Umabot sa 1,217 pulis, kabilang ang Special Action Force ang tumulak sa Tacloban City upang siguraduhin ang kapayapaan sa lungsod.

Naatasan din ang mga awtoridad na higpitan ang seguridad ng mga relief goods na ipinapadala mula sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Una nang sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na nag-aalisan na sa Tacloban City ang mga negosyante dahil sa pangambang baka dakipin sila ng mga armadong kalalakihan na umano’y pasimuno sa looting.

Kaugnay na balita: Pasimuno ng looting sa Tacloban City tinutugis - report

Bukod sa pagnanakaw ng mga pagkain, may mga insidente ng panghaharang ng mga sasakyang dala ang relief goods.

Ilang residente rin ang nagsabing nanghahalay din ang mga masasamang loob na nanggugulo sa kabila ng dinanas ng rehiyon.

 

BIYERNES

BUKOD

EASTERN VISAYAS

ILANG

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

SENIOR SUPEINTENDENT WILBEN MAYOR

SPECIAL ACTION FORCE

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with