MANILA, Philippines - Higit 100 bahay sa Quezon City ang tinupok ng apoy ngayong Biyernes ng madaling araw, ayon sa mga awtoridad.
Sinabi fire marshal Jesus Fernandez sa isang panayam sa radyo na bukod sa mga bahay ay isang ginang ang nasama sa sunog.
Lumabas sa pangunang imbestigasyon na hindi na nakalabas ng kanyang kwarto si Angelita Omidez, 57, na nasa ikalimang palalag.
Bukod kay Omidez ay dalawang katao pa ang sugatan sa sunog na nagsimula bandang 12:58 ng madaling araw sa Barangay Baesa, Quezon City.
Naapula ang apoy bandang 4:55 ng umaga kung saan 300 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.