MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Foreign Affairs ngayong Miyerkules na hindi na daraan sa gobyerno ang mga donasyon ng iba’t ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong “Yolanda†sa Visayas.
Sinabi ni Assistant Secretary of Foreign Affairs Raul S. Hernandez na didiretso ang mga donayson ng iba’t ibang bansa maging ang mga pribadong grupo sa kanilaang mga napiling aid agencies, o sa mga nongovernment organization, charitable institutions at foundations.
“Let me clarify that most of the international assistance, either in monetary form or in-kind donations, does not go through the Philippine government,†sabi ni Hernandez.
Umabot na sa 36 international donors ang naitala ng DFA kung saan tinatayang $89,501,500 o P3,848,564,500 ang halaga ng mapupunta sa mga biktima ng bagyo.
“This figure accounts only for cash donation pledges and in-kind donations to which monetary valuation had been assigned by the donors,†dagdag ng kalihim.
Ang mga in kind donations ay dumidiretso sa mga apektadong komunidad, habang ang iba ay pinapadaan sa National Disaster Risk Reduction Management and Council o sa Department of Social Welfare and Development.
Nilinaw rin ni Hernandez na hindi agaran na makukuha ang mga ipinangakong perang donasyon ng ibang bansa.
“A pledge of financial support is subject to the rules and processes of the donating government or agency. Therefore, it takes time for the actual funds to be released to the recipients.â€
Dahil dito ay siniguro rin ng kagawaran na mapupunta sa mga biktima ng bagyo ang mga tulong na binibigay ng international donors.