^

Balita Ngayon

Free texts tulong ng Smart at Globe sa 'Yolanda' victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -- Nagpaabot ng tulong ang dalawang telecommunications companies sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" sa pamamagitan ng libreng text message.

Nagkasundo ang Smart Communications at Globe Telecom na magkaroon ng 25 free SMS kada araw para sa mga subscriber nila mula sa Tacloban City, Aklan, Antique, Capiz, Leyte, Northern Cebu, at Samar na pawang matinding tinamaan ng bagyo.

"This is a time for Filipinos to come together and help our countrymen in their hour of great need. This joint effort will help Smart, Sun Cellular and Talk 'N Text subscribers in the typhoon-struck areas to communicate with their loved ones at home and abroad," pahayag ni executive vice president of Smart and chief operating officer of Digital Mobile Philippines Charles A. Lim.

Magsisimula ang limang araw na tulong mula ngayong Miyerkules hanggang sa Linggo (Nobyembre 13-17).

“This free service is open to all Globe Postpaid, Globe Prepaid, and TM subscribers in these Eastern Visayas provinces. This is the company’s way of giving assistance to our customers who are suffering from the typhoon’s onslaught and who need to reach out to their family and friends in the country and abroad,” sabi ni chief operating advisor for Globe Consumer Business Group Peter Bithos.

Bukod sa free text ay magkakaroon din ng alokasyon ang mga telcos para sa international SMS.

Sinabi pa ng dalawang kompanya na isinasaayos na nila ang mga nasirang cellular sites sa mga naturang lugar.

Para sa mga Globe at TM subscribers ay maaaring magtext ng BangonPinoy sa 8888 upang makuha ang libreng text.
 

DIGITAL MOBILE PHILIPPINES CHARLES A

EASTERN VISAYAS

GLOBE CONSUMER BUSINESS GROUP PETER BITHOS

GLOBE POSTPAID

GLOBE PREPAID

GLOBE TELECOM

N TEXT

NORTHERN CEBU

SMART COMMUNICATIONS

SUN CELLULAR AND TALK

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with