^

Balita Ngayon

Lions Club Int’l magbibigay ng P2M sa Yolanda victims

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay din ng ayuda ang Lions Club International Foundation (LCIF) para sa mga biktima ng delubyong dulot ng super typhoon (Haiyan) Yolanda.

Sa pagdating sa bansa nitong Lunes ni LCIF international president Barry Palmer, agad nitong binigyan ng atensiyon ang krisis sa mga sinalanta na nangako na magbibigay ng donasyong aabot sa US$2,000,000 mula sa kanilang organisasyon.

May inisyal na nalikom na aniya sila na US$500,000. Una na rin aniyang nag-release sila ng $30,000 sa panga­ngasiwa ng fund administrator na si Michael So, na ipinagkaloob ang tulong sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong nakalipas na buwan.

Ang nasabing halaga ay nakuha sa mga LCIF members sa idinaos na forum ng Organization of South East Asean Lions (OSEAL) sa Singapore pa lamang at inaasahang malaki pa ang idaragdag ng halaga dahil 1.35 mil­yon ang miyembro nila mula sa 46,000 clubs sa may 207 bansa sa mundo.

Ayon kay Palmer, prayoridad nila ang pagbibigay ng food, water, shelter, clothing at iba pang may kaugnayan sa kalusugan.

AYON

BARRY PALMER

BOHOL

HAIYAN

LIONS CLUB INTERNATIONAL FOUNDATION

MAGBIBIGAY

MICHAEL SO

ORGANIZATION OF SOUTH EAST ASEAN LIONS

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with