MANILA, Philippines – Masaya si Kapamilya actor Piolo Pascual para sa kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion.
Nitong nakaraang buwan ay makulay ang lovelife ni KC na na-link kay NBA basketball player Chanlder Parsons ng Houston Rockets at sa aktor na si Paulo Avelino.
“I’m happy for her,†sabi ni Piolo nitong Lunes ng gabi. “Ganun naman talaga dapat ang buhay.â€
Samantala, nauugnay naman ang pangalan ang “Unlove You†leading man kay Shaina Magdayao.
Patuloy pa rin ang shooting ng naturang pelikula kung saan kasama ni Piolo si Toni Gonzaga sa direksyon ni Olivia Lamasan.
“Sobrang worth it yung pagod kasi sobrang mabusisi si Inang [Olivia Lamasan] in terms of lighting, in terms of acting, technical and everything," kuwento ni Piolo.
“So it’s an honor. I guess it’s not just the challenge but really a privilege to be working with her again and Toni. It’s a happy set. I’m looking forward to finish it already,†dagdag niya.
Ikinatuwa naman ni Piolo ang kagalingan ng kanyang leading lady na sinabihan niyang “matured a lot not just as an actress but as a person.â€
Sinabi pa ng Kapamilya hunk actor na nakita niya kung paano magbago si Toni bilang tao.
“Kasi nakita ko talaga yung transformation niya and para pa rin siyang bago sa akin. So it’s for me nakakatuwa, [seeing] how she’s really evolving and transforming.â€
Nakatakdang ipalabas ang Unlove You sa susunod na taon para sa Valentine’s special ng Star Cinema.