MANILA, Philippines - Umabot na sa 30 lugar ang nasa ilalim ng public storm warning signal dahil sa paglapit ng bagyong "Zoraida" ayon sa state weather bureau ngayong Martes ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na nasa 216 kilometro timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 192 kilometro silangan ng Davao City ang mata ng bagyo kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay pa rin ni Zoraida ang lakas na 55 kilometers per hour habang gumagalaw sa bilis na 30 kph.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mga lugar na pinalolooban ng 300-kilometer diameter ng pang-25 na bagyo ngayong taon.
Pinag-iingat ang mga residenteng nakatira malapit sa kabundukan sa maaaring pagragasa ng baha o pagguho ng lupa.
Kabilang ang mga sumusunod na lugar na may storm signal no.1:
Luzon
Cuyo Island
Northern Palawan
The Calamian Group
Visayas
Siquijor
Southern Cebu
Bohol
Negros Oriental
Negros Occidental
Antique
Iloilo
Guimaras
Mindanao
Dinagat Province
Siargao Island
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Davao Oriental
Compostela Valley
Davao del Norte
Samal Island
Bukidnon
Misamis Oriental
Misamis Occidental
Lanao del Norte
Lanao del Sur
North Cotabato
Camiguin Island
Northern Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
Nitong Biyernes lamang ay hinagupit ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2013 ang Visayas partikular ang probinsya ng Leyte at Samarna kumitil sa libu-libong buhay.
Nagdeklara si Pangulong Benigno Aquino III kagabi ng state of national calamity upang mapabilis ang pagtulong sa mga nasalanga ng bagyo.
“This declaration will, among others, effectively control the prices of basic goods and commodities for the affected areas and afford government ample latitude to utilize appropriate funds toprovide assistance and services to the people," pahayag ni Aquino Lunes ng gabi.
“Like you, I also want to know what we can do to prevent similar situations in these areas in the future,†dagdag niya.
Alinsunod ang Proclamation 682 sa Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 at batay na rin sa mungkahi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.