MANILA, Philippines – Ibinaba na ang mga public storm warning signals sa Metro Manila at mga karatig na lugar sa bahagyang paghina ng bagyong “Yolanda†ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 115 kilometro kanluran ng Roxas City taglay ang lakas na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph habang gumagalaw sa bilis na 40 kph.
Malakas hanggang matinding buhos ng ulan ang mararanasan ng mga lugar na nasa loob ng 400-kilometer diameter, dagdag ng weather bureau.
Inaasahang tatawid ng Calamian Group of Islands ang bagyo sa pagitan ng alas-8 at alas-9 ng gabi.
Tinatayang lalabas ng kalupaan ng Pilipinas ang bagyo mamayang alas-10 ng gabi patungo ng West Philippine Sea.
Kahit bahagyang humina ay nakataas pa rin ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 4
Extreme Northern Palawan
Calamian Group of Islands
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
Aklan
Capiz
Antique
Iloilo
Guimaras
Signal No. 3
Rest of Mindoro provinces
Romblon
Rest of Northern Palawan
Puerto Princesa City
Signal No. 2
Lubang Island
Batangas
Marinduque
Rest of Palawan
Burias Island
Masbate
Ticao Island
Negros Provinces
Cebu
Biliran Island
Signal No. 1
Metro Manila
Bataan
Cavite
Rizal
Laguna
Quezon
Camarines provinces
Albay
Sorsogon
Samar provinces
Leyte provinces
Camotes Island
Bohol
Siquijor
Camiguin Surigao del Norte
Dinagat Province
Sinabi naman ni Undersecretary Eduardo del Rosario, executive director ng National Disaster Risk Reduction Management Council na hindi gaanong maapektuhan ng bagyo ang Metro Manila.
"Hindi masyadong maapektuhan tayo dahil mabilis ang pag-alis niya. So yung dala niyang ulan ay mabilis din na mawawala dahil palayo na siya.â€