^

Balita Ngayon

Storm signal sa Metro Manila, ibang lugar ibinaba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinaba na ang mga public storm warning signals sa Metro Manila at mga karatig na lugar sa bahagyang paghina ng bagyong “Yolanda” ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 115 kilometro kanluran ng Roxas City taglay ang lakas na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph habang gumagalaw sa bilis na 40 kph.

Malakas hanggang matinding buhos ng ulan ang mararanasan ng mga lugar na nasa loob ng 400-kilometer diameter, dagdag ng weather bureau.

Inaasahang tatawid ng Calamian Group of Islands ang bagyo sa pagitan ng alas-8 at alas-9 ng gabi.

Tinatayang lalabas ng kalupaan ng Pilipinas ang bagyo mamayang alas-10 ng gabi patungo ng West Philippine Sea.

Kahit bahagyang humina ay nakataas pa rin ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 4

Extreme Northern Palawan

Calamian Group of Islands

Southern Occidental Mindoro

Southern Oriental Mindoro

Aklan

Capiz

Antique

Iloilo

Guimaras

Signal No. 3

Rest of Mindoro provinces

Romblon

Rest of Northern Palawan

Puerto Princesa City

Signal No. 2

Lubang Island

Batangas

Marinduque

Rest of Palawan

Burias Island

Masbate

Ticao Island

Negros Provinces

Cebu

Biliran Island

Signal No. 1

Metro Manila

Bataan

Cavite

Rizal

Laguna

Quezon

Camarines provinces

Albay

Sorsogon

Samar provinces

Leyte provinces

Camotes Island

Bohol

Siquijor

Camiguin Surigao del Norte

Dinagat Province

Sinabi naman ni Undersecretary Eduardo del Rosario, executive director ng National Disaster Risk Reduction Management Council na hindi gaanong maapektuhan ng bagyo ang Metro Manila.

"Hindi masyadong maapektuhan tayo dahil mabilis ang pag-alis niya. So yung dala niyang ulan ay mabilis din na mawawala dahil palayo na siya.”

BILIRAN ISLAND

BURIAS ISLAND

CALAMIAN GROUP OF ISLANDS

CAMIGUIN SURIGAO

CAMOTES ISLAND

DINAGAT PROVINCE

EXTREME NORTHERN PALAWAN

METRO MANILA

SIGNAL NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with