MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng umano’y mastermind sa pork barrel scam Janet Lim-Napoles ngayong Huwebes ang mga sinumpaang salasay ng mga whistleblower sa pagdinig ng Senado.
Dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel sa unang pagkakataon si Napoles.
Ilan sa mga pinasinungalingan ni Napoles ang pagbibigay ng mga “kickback†sa mga umano’y kakuntsabang mambabatas.
Itinanggi rin ni Napoles ang buong isyu na ginagamit niya ang kanyang mga nongovernment organization upang gamitin sa pangungurakot kabilang ang mga mambabatas.
“Nakakaawa nga yung mga senador na da-drag yung mga pangalan na nadadawit sa isyu,†sabi ni Napoles. “Hindi po ito totoo.â€
Sa bawat sagot ni Napoles ng “Hindi poi to totoo†ay “Nagsisinungaling siya†naman ang tugon ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy.
Tinanong naman ni Committee Chairman Teofisto Guingona III si Napoles kung ano ang katotohanan.
“Kung 'di totoo ang sinasabi ng whistleblowers, ano ang totoo?†tanong ni Guingona.
“Hindi ko po alam sa kanila,†sagot ni Napoles.