Hiling na executive session ni Napoles ibinasura ng Senado

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Senate Blue Ribbon Committee ang kahilingan ng itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam Janet Lim-Napoles na magkaroon ng executive session.

Hiniling ni Napoles ngayong Huwebes sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado na magkaroon ng executive session dahil masiyadong sensitibo umano ang isyu.

"Magkakaroon ng duda kung bakit tayo-tayo lang ang nag-usap," pahayag ni Sen. Alan Cayetano kay Napoles.

Sa isang executive session tanging mga committee members at mga abogado lamang ang maaaring dumalo sa isang closed-door session at hindi mapapanood ng publiko.

Kanina ay hinamon ni Committee chairman Teofisto Guingo III si Napoles na isiwalat ang katotohanan upang makatulong sa bayan.

Kaugnay na balita: Guingona kay Napoles: Tulungan ang bayan, magsabi ng totoo

"Pagkakataon niyong makatulong sa bayan, huwag niyong sayangin ang pagkakataong ito," pambungad na salita ni Guingona kay Napoles.

"Patunayan ninyo sa publiko na mayroon pang natitirang malasakit sa inyo para sa bayan," dagdag niya.

Show comments