Yeng Guiao nakakuha ng 'magandang problema' sa PBA draft
MANILA, Philippines – Isang magandang problema ang sa tingin ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao ang kanyang nakuha sa katatapos lamang na PBA Draft.
Matapos isali sa kanyang koponan ang big man Raymund Almazan at wingman Alex Nuyles sa third at ninth pick, kinuha pa ng Elasto Painters sa second round ang UST top gunner na si Jeric Teng.
“Nagulat kami. Di namin akalain na available pa siya sa no. 12. Actually, we’re supposed to get another guy at no. 12 pero nagpalit na lang kami ng desisyon namin dahil nandun pa siya,†kwento ni Guiao sa Philstar.com.
Kilala si Guiao bilang head coach na may magandang pagpapaikot ng mga manlalaro at sa pagdagdag ng tatlong talentadong manlalaro ay hindi niya ito itinuring na sakit sa ulo.
“Magandang problema sa akin. We have guys in their spots already at I’d rather have that problem than a problem of lack of talent dun sa mga position na yun. It will only make our depth chart even better so masaya kami sa mga na-draft namin,†banggit ni Guiao.
Dahil hindi inaasahan ni Guiao ang pagkakuha kay Teng, sinabi ng beteranong coach na kailangang pagtrabahuhan ng anak ng dating PBA player Alvin Teng ang kanyang spot sa koponan.
“Si Raymond saka si Alex makaka-crack kaagad sa rotation dahil napaghandaan namin yun in terms of preparing for a slot for them. Yung no. 12 pababa, hindi namin napaghandaan yun kaya tingnan na lang natin,†ani ng head coach ng ROS.
Dagdag ni Guiao na hinog na ang kanyang mga napitas na manlalaro dahil sa matindi na ang napagdaanan nang mga ito.
“Kung mamimili ka rin lang ng bagong mga players na sa tingin mo nakahanda, si Raymond, MVP ng NCAA, si Alex, one of the best athletes and scorers in the UAAP, si Jeric just came out of the finals and I think was the top scorer of that series. So there’s no better preparation than what these guys have gone through.â€
- Latest
- Trending