Isa na namang lalaki utas nang mahulog sa isang gusali sa Makati

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos mahulog sa ikapitong palapag ng isang gusali sa Makati ngayong Lunes ng umaga.

Nakilala ng mga awtoridad ang biktima na si Christian Sanchez na hindi na umabot nang buhay matapos isugod sa Makati Medical Center.

Hindi pa malinaw kung tumalon o nahulog si Sanchez mula sa ikapitong palapag ng Philippine Bank of Communications Tower o mas kilala sa tawag na PBCom.

Patuloy ang imbestigasyon ng Southern Police District sa naturang insidente.

Noong Oktubre 26 lamang ay isang lalaki ang tumalon mula sa ika-29 na palapag ng tinutuluyang condominium  sa Taft Avenue, Malate, Maynila.

Kaugnay na balita: UST stude tumalon mula 29th floor ng condo, patay

Kinilala ang biktimang si Leonard Torres, nanunuluyan sa ika-23 palapag ng Kassel Condominuim sa Taft Avenue, malapit  sa panulukan ng Vito Cruz St., sa Malate.

Show comments