MANILA, Philippines - Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Vinta" pero uulanin pa rin ang ilang bahagi ng bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Namataan ng PAGASA ang mata ng bagyo sa 270 kilometro kanluran hilaga-kanluran ng Laoag City kaninang alas-kwatro ng hapon.
Taglay ni Vinta ang lakas na 130 kilometers per hour at bugang aabot aa 160 kph habang gumagalaw sa bilis na 22 kph.
Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin ng Metro Manila na may pulo-pulong pag-ulan na may pagkulog at kidlat sa hapon o gabi.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan ang Mindanao na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at kidlat.