MANILA, Philippines – Hinimok nina Senate President Franklin Drilon at Senador Francis Escudero ang publiko na huwag magpadala sa “black propaganda†ng mga kontra kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ng dalawang senador na ang tunay na isyu ng bayan ay ang maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.
Naniniwala si Drilon na nawala sa pokus ng lipunan ang tunay na isyu at nadala na ito sa hindi naman illegal na Disbursement Allocation Program (DAP).
"The negative propaganda campaign against the administration steered people’s focus away from the real issue which is corruption in the use of the PDAF (Priority Development Assistance Program) allegedly committed by some lawmakers," pahayaag ni Drilon.
"Refocus our consciousness towards ensuring that our justice system will work by punishing and jailing those who pocketed people’s money," dagdag ng Senate President.
Sinabi ni Drilon na mahalagang mapanagot ang mga tunay na may sala upang maipatupad ang reporma sa gobyerno.
Aniya, hindi rin siya nakatakas mula sa black propaganda nang iugnay siya sa itinuturong nasa likod ng pork barrel scam Janet Lim-Napoles.
Samantala, pinanigan ni Escudero si Aquino na walang masama sa paggamit ng DAP.
"I agree with PNoy. As I said before, DAP is not illegal. It's a slogan for a spending program in accordance w the current general appropriations act," banggit ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na ang tunay na isyu ng bayan ay ang pagnanakaw na hindi naman ginawa ng Pangulo.
Una nang nagpahayag si Aquino na tutukan ng publiko ang PDAF scam at hindi ang paggamit ng DAP.
Kaugnay na balita: PNoy: 'Pork scam' tutukan
“Let’s keep our eye on the ball. The public was outraged by the audacity with which public officials allegedly stole from the national coffers through PDAF," sabi ng Pangulo noong nakaraang linggo.