Bangkay ng lady cop natagpuan sa loob ng PNP office

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang babaeng pulis sa loob mismo ng tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa Camp Crame sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Police Inspector Romelou Medina, 35, na may tama ng bala sa sentido.

Bandang 7:30 ng umaga nang Makita ng mga pulis ang katawan ni Medina na nakasuot pa ng uniporme.

Narekober sa crime scene ang 9mm service pistol at basyo ng bala mula sa baril ni Medina.

Dating nakadestino si Medina sa finance section ng PNP-Crime Lab.

Nagsilbi rin bilang on-the-job training ang biktima sa Crime Laboratory ng Manila Police District.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung nagpakamatay nga ba si Medina o may foul play sa insidente.

Show comments