^

Balita Ngayon

Lumalabag sa gun ban patuloy ang pagtaas - PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nadadakip na lumalabag sa Commission on Elections gun ban kahit dalawang araw nang tapos ang eleksyon.

Sinabi ng Philippine National Police ngayong Miyerkules na umabot na sa 668 na katao ang kanilang nahuli mula nang ipatupad ang gun ban noong Setymebre 28.

Sa naturang bilang ay 618 ang mga sibilyan, walong pulis, anim na sundalo, pitong opisyal ng gobyerno, 25 security guard at tatlong miyembro ng paramilitary group, dagdag ng PNP.

Nasa 555 na baril naman ang kanilang nakumpiska, 217 matatalim na armas, 68 granada, 290 pampasabog, 20 pekeng baril, at 4,575 na iba't ibang bala.

Ipinapatupad ang gun ban hanggang Nobyembre 12 o 15 araw matapos ang halalang pambarangay.

Samantala, sinabi ni Senior Superintendent Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP chief, naka full alert na ang buong kapulisan para sa Undas.

IPINAPATUPAD

MIYERKULES

NOBYEMBRE

PATULOY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAMANTALA

SENIOR SUPERINTENDENT WILBEN MAYOR

SETYMEBRE

SINABI

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with