MANILA, Philippines – Sobrang happy ni Kapamilya actress Bea Alonzo sa mga blessings na dumarating sa buhay niya at isa na rito ang matibay na relasyon nila ni Zanjoe Marudo.
Sinabi ni Bea na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay dahil nasa kanya na lahat.
“At this point of my life, ngayon lang ako walang mahiling pa. Sa lahat ng bahagi ng buhay ko — career, family, love — I feel so blessed,†sabi ni Bea nang makapanayam kagabi sa Pasay City.
Kwento pa ni Bea na lalo niyang na-appreciate ang pagmamahalan nila ni Zanjoe matapos mapabalitang maraming showbiz couples ang naghihiwalay.
“Kapag nakakarinig ako ng ganyang news, parang mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo akong nagiging appreciative sa kung ano ang meron ako,†sabi ni Bea na umaasang si Zanjoe na talaga ang kanyang love of her life.
“So, sana nga, he’s the one. Sana he’s the one.â€
Kamakailan lamang ay napabalitang split na si Derek Ramsay at Cristine Reyes, Luis Manzano at Jennelyn Mercado, Angel Locsin at Phil Younghusband.
Nabanggit din ni Bea na bibihira silang magkita sa nakalipas na dalawang buwan pero aniya nakakatulong naman ito sa kanilang relasyon upang lalong tumibay.
“Ngayon, mas sweet kami sa isa’t isa. Siya, feeling ko extra sweet siya sa akin kasi na-miss niya ako,†ani Bea. “Nakatulong siya sa relasyon namin na hindi naming sinasadya because I had to work and siya rin, busy din siya.â€