^

Balita Ngayon

Alkalde sa Abra timbog sa gun ban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang alkalde ng Abra at kanyang mga tauhan matapos lumabag sa gun ban ng Commission on Elections.

Naharang sa checkpoint sina Licuan-Baay Mayor Alejo Siddayao Domingo at ang kanyang mga bodyguards na sina Noel Culangen Bay-ed at Eddie Boy Balweg Paredes nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Abra police director Sr. Supt. Benjamin Lusad  na nakumpiska ng Abra Police Provincial Public Safety Company (PPSC) kina Domingo ang dalawang kalibre .45 pistol at 10 bala.

Kaagad namang umamin ang alkalde na pagma-may-ari niya ang nakumpiskang baril ngunit bigo siyang magpakita ng karampatang papeles.

Sinabi ni Lusad na inihahanda na nila ang mga isasampang kaso laban kina Domingo at sa mga tauhan niya.

Ipinatupad ng Comelec ang gun ban para sa nalalapit na barangay elections na nakatakdang gawin sa Oktubre 28.

Nagsimulang ipatupad ang gun ban noong Setyembre 28 at magtatagal ito hanggang Nobyembre 12.

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang araw ng halalan bilang regular holiday upang makaboto ang publiko.

ABRA

ABRA POLICE PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

BENJAMIN LUSAD

DOMINGO

EDDIE BOY BALWEG PAREDES

LICUAN-BAAY MAYOR ALEJO SIDDAYAO DOMINGO

NOEL CULANGEN BAY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with