Sa edad na 35, Ruffa Mae ngayon pa lang nagdadalaga
MANILA, Philippines – Inamin ng sexy-comedian Ruffa Mae Quinto na ngayon pa lamang siya nagdadalaga sa edad na 35.
Sinabi ni Ruffa na nais niyang intindihin ang ikakasaya muna ng sarili matapos tulungan ang kanyang pamilya sa mga nakaraang taon.
“Ngayon pa lang ako nagdadalaga, e, sa totoo lang. Kasi I’m working nga, at least ngayon nababalanse ko na,†banggit ni Ruffa na nagsilbing breadwinner ng pamilya.
“Kaya nga mas matanda itsura ko nung bata ako kaysa ngayon, kasi nga I’m taking care of everybody. So ngayon I’m taking care of my happiness,†kuwento pa niya.
Sa pagbibigay ng saya sa kanyang sarili hindi pa rin naman naiisip ni Ruffa na magkaroon ulit ng love life.
“Kasi hindi lang naman ‘yon ang buhay, there’s more to that,†komento ng komedyante ng “Bubble Gang.â€
Limang taon nang single si Ruffa at aniya, wala sa priority niya ang maghanap ng love life dahil andyan naman ang kanyang mga kaibigan at pamilya.
â€Hindi ko na muna iniisip ‘yan, mangyayari ‘yan. Ang tagal ko nang iniisip, hindi naman pala dapat iniisip,†sabi ni Ruffa.
Naniniwala si Ruffa na bata pa naman siya at kusang darating din sa buhay niya si “Mr. Right.â€
“What’s important of course is my family. I’m still young naman na I think I have the time to find my destiny,†dagdag niya.
Pero umaasa si Ruffa na sa oras na magmahal siyang muli ay ito na ang huling lalaking mamahalin niya.
“’Yun ang pinagdadasal ko na sana kung may dumating siya na talaga yun.â€
- Latest
- Trending