MANILA, Philippines – Inilibing na si Sulu Sultan Jamalul Kiram III ngayong Lunes matapos pumanaw kahapon dahil sa komplikasyon.
Ayon sa isang ulat sa radyo, bandang alas-10 ng umaga inihatid sa kanyang huling hantungan si Kiram.
Inilibing si Kiram katabi ng puntod ng kanyang mga magulang sa Sulu.
Sa edad na 77, namayapa si Kiram sa Philippine Hearth Center sa Quezon City dahil sa organ failure.
Kaugnay na balita: Sultan Kiram yumao, laban sa Sabah tuloy
Sinabi ni Princess Jacel na bahala na umano ang kanilang “council of elders†sa paghirang ng hahalili sa kanyang ama. Ngunit ayon kay Ibrahim Adjarani, taÂgapagsalita ng Sultanato, maaaring si Sultan Ismael Kiram ang humalili sa trono matapos ang 40 araw.
Kaninang umaga lamang din inilipad ang bangkay ni Kiram patungong Sulu mula sa Maynila.