^

Balita Ngayon

Zambo evacuees napipilitang magbenta ng katawan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naalarma ang Zamboanga City Health Office (CHO) sa umano’y dumaraming fly-by-night sex workers upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan kasunod nang halos tatlong linggong kaguluhan sa lungsod.

Kinumpirma ng hepe ng CHO na si Dr. Rodeline Agbulos na may mga natatanggap silang ulat na pumapasok sa umano’y pagiging sex worker ang mga evacuees ng kaguluhan sa pagitan ng Misuari-faction Moro National Liberation Front (MNLF) at ng gobyerno.

Sinabi pa ni Agbulos na ikinagulat nila ang balita na umano’y bagsak presyo na ang kalakaran at ginagawa sa mga portalet, bleacher at tent ng evacuation areas.

“These freelance sex workers were allegedly offering discount and 'bagsak presyo' to their would-be clients in the evacuation centers,” pahayag ni Agbulos.

Ikinababahala rin ng doctor ang posibleng pagkalat ng sexually transmitted disease.

Aniya humingi na ng tulong ang CHO sa AIDS Desk at Department of Health upang matugis ang mga sex worker at maisailalim sa counseling.

AGBULOS

ANIYA

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. RODELINE AGBULOS

IKINABABAHALA

KINUMPIRMA

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NAALARMA

ZAMBOANGA CITY HEALTH OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with