Visayas quake death toll 171 na

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 171 katao ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Central Visayas, ayon sa state disaster response agency.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes na 159 sa mga namatay ay mula sa Bohol, 11 sa Cebu at isa sa Siquijor.

Nasa 20 katao pa ang nawawala sa Bohol, habang 375 katao ang sugatan, dagdag ng NDRRMC.

Umabot naman sa 676,065 pamilya o 3.4 milyong katao ang apektado ng lindol.

Sa naturang bilang ay 162,566 katao ang nawalan ng tahanan.

Sinabi pa ng NDRRMC na P563.6 milyon ang halaga ng pinsala ng lindol.

Tumama ang lindol nitong Martes ng umaga sa Carmen, Bohol kung saan hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin ang mga aftershock.

Show comments