Airport exec duda sa kredebilidad ng 'worst airport' survey

MANILA, Philippines – Pinabulaanan at kinuwesityon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang bansag ng isang website sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 bilang “worst airport” in the world.

Sinabi ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado ngayong Huwebes na walang matibay na basehan ang travel website na SleepingInAirports.net nang maglabas ito ng listahan ng pinakapangit na paliparan sa mundo.

"It's a rehash issue. Wala namang basis 'yan e. Nung 2010, ganoon din. Ano basis n'yan? Sino na-survey? Ano ang population base mo? Ilan ang na-survey d'yan? ... Hindi natin alan kung sino 'yan e," pahayag ni Honrado.

Aniya mula nang bansagang worst airport ang NAIA 1 noong 2010 ay pinaganda na nila ito.

"Ayoko na i-dignify yan. It’s a xerox copy of their report in 2010," dagdag ng opisyal ng paliparan.

Ginawang basehan ng website ang comfort, conveniences, cleanliness at customer service ng mga pasaherong nakabiyahe na sa mga paliparan sa buong mundo.

Ilan lamang sa mga itinuturong dahllan ang siksikan sa loob ng paliparan, walang 24-oras na makakainan, maruriming sahig ng mga banyo, food court, pangungurakot, at hindi maaayos na tauhan.

Kaugnay na balita: NAIA Terminal 1 muling binansagang 'Worst Airport'

"Most other countries will at least try to do their best to make their main international airport look at least a bit presentable, realizing that it's the main gateway for foreign visitors into and out of the country but at this airport everything seems to have been done to make the experience as horrible as possible," komento ng isang turista na lumabas sa SleepingInAirports.

Show comments