^

Balita Ngayon

NAIA 1 sisimulang pagandahin sa Disyembre - DOTC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos muling bansagang pinakapangit na paliparan sa mundo, sinabi ng Department of Transportation of Communications (DOTC) ngayong Huwebes na magsisimula ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport- Terminal 1 sa Disyembre.

Sinabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na naantala ang pagpapaganda sa paliparan dahil sa “structural issue.”

"Well, 'yung construction on the ground hopefully mangyari ito December of this year. So isa't kalahating buwan ang hintayin ho natin maumpisahan na ho 'yan,” pahayag ni Abaya.

"Naging real issue ho dyan ay mga structural issue na nakita so nais lang namin na ma-double check 'yung performance based design para ma-address 'yung structural issue. Nung natapos po yan at nakita ng eksperto na dinisensyo doon lang ho talaga tayo nakausod," dagdag ng kalihim.

Nagpaliwanag si Abaya matapos maglabas ang travel website Sleeping in Airports ng panibagong listahan ng world's worst airport para sa taong 2013.

Nanguna sa listahan ang NAIA 1 at ito na nag ikalawang beses mula noong 2011. Kinilala ring worst in Asia ang NAIA 1 noong 2012.

Kaugnay na balita: NAIA Terminal 1 muling binansagang 'Worst Airport'

Ginawang basehan ng website ang comfort, conveniences, cleanliness at customer service ng mga pasaherong nakabiyahe na sa mga paliparan sa buong mundo.

Ilan lamang sa mga itinuturong dahllan ang siksikan sa loob ng paliparan, walang 24-oras na makakainan, maruriming sahig ng mga banyo, food court, pangungurakot, at hindi maaayos na tauhan.

Samantala, muling nakuha ng Singapore Changi ang best airport sa pang-17 sunod na pagkakataon.

ABAYA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION OF COMMUNICATIONS

DISYEMBRE

GINAWANG

HUWEBES

ILAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

SINGAPORE CHANGI

WORST AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with