MANILA, Philippines - Muli na namang kinilala ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bilang pinakapangit na paliparan sa mundo ngayong 2013.
Naglabas ang Travel website na Sleeping In Airports ng pinakamaganda at pinakapangit na paliparan sa buong mundo kung saan muli na namang nanguna ang NAIA Terminal 1.
Una nang kinilala ang NAIA 1 bilang pinakapangit na paliparan sa buong mundo noong 2011, habang parehong pagkilala ang nakuha noong 2012 para sa buong Asya.
Ginawang basehan ng website ang comfort, conveniences, cleanliness at customer service ng mga pasaherong nakabiyahe na sa mga paliparan sa buong mundo.
Ilan lamang sa mga itinuturong dahllan ang siksikan sa loob ng paliparan, walang 24-oras na makakainan, maruriming sahig ng mga banyo, food court, pangungurakot, at hindi maaayos na tauhan.
Samantala, muling nakuha ng Singapore Changi ang best airport sa pang-17 sunod na pagkakataon.
Worst Airports
1. Manila NAIA (Terminal 1)
2. Bergamo
3. Calcutta
4. Islamabad
5. Paris Beauvais
6. Chennai
7. Frankfurt Hahn
8. Mumbai
9. Rome Fiumicino
10. Los Angeles