MANILA, Philippines – Muli na namang niyanig ng magnitude 5.5 na aftershock ang Tagbilaran City, Bohol, ngayong Huwebes isa sa mga aftershocks kasunod nang magnitude 7.2 na lindol nitong kamakalawa.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang panibagong aftershock kaninang 7:37 ng umaga na tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity 6 sa Tagbilaran City, habang Intensity 4 sa Dumaguete City, Lapu Lapu City, Sibulan at Negros Oriental.
Ikinategorya ng Phivolcs ang Intensity 6 bilang “very strong.â€
Intensity 2 naman sa Maasin, Southern Leyte at Mambajao, Camiguin.
Kaugnay na balita: Kaugnay na balita: 'Wag magpanic sa aftershocks - NDRRMC
Sa huling tala ng Phivolcs ay higit isang libo na ang naranasang aftershocks ng probinsya.
Umabot na naman sa 158 na katao ang nasawi, habang mahigit 3,.4 milyong katao ang naapektuhan ng lindol na tumama nitong Martes ng umaga.