Palasyo nagbabala sa mga nanghihingi ng donasyon sa Visayas quake

MANILA, Philippines - Binalaan ng Malacañang ngayong Huwebes ang publiko sa mga nananamantala at ginagamit ang sitwasyon sa Central Visayas na tinamaan ng magnitude 7.2 na lindol.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na nakatanggap sila ng ulat na may mga nanghihingi ng donasyong pera para umano sa mga biktima ng lindol kung saan higit 100 na ang nasawi.

Dagdag ni Lacierda na ginagamit pa ang pangalan ni Communications Secretary Ricky Carandang sa pananamantala.

"This is a spurious and shameless attempt to capitalize on tragedy for personal profit and greed," sabi ni Lacierda.

Hinimok ng Palasyo ang mga hiningian ng donasyon na isumbong sa kanila ang panibagong modus operandi.

Maaaring tumawag sa Office of the Presidential Spokesperson sa numerong (02) 7360719 o mag e-mail sa spokesperson@malacanang.gov.ph.
 

Show comments