Barangay polls sa tinamaan ng lindol, hindi pa sigurado - Comelec
MANILA, Philippines – Hindi pa makapagdesisyon ang Commission on Elections kung itutuloy o ipagpapaliban nila ang nalalapit na barangay elections kasunod nang magnitude 7.2 na lindol sa Visayas ngayong Martes. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kinakailangan muna nilang tignan ang pinsala ng lindol sa mga naapektuhang lugar bago magdesisyon kung ipagpapaliban ang halalan sa Oktubre 28. “Too early to say kung tuloy o postponed but certainly we are looking into it right now,†pahayag ni Jimenez. "As much as possible, gusto natin matuloy but we need more information right now on two areas: situation sa mga gagamiting polling places dahil malapit na elections, and refugee situation, yung evacuees,†dagdag ng tagapagsalita. Aniya ang mga paaralan ang gagamitin evacuation center ng mga nasalantang residente. Ang mga pampublikong paaralan din ang ginagamit ng Comelec bilang presinto tuwing eleksyon kaya naman kailangan muna nilang pag-aralan itong mabuti.