NDRRMC: 20 patay sa lindol, 110 aftershocks naitala
MANILA, Philippines – Dalawampung katao ang kumpirmadong patay matapos yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang Visayas region, ayon sa state disaster response agency.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa isang pulong balitaan ngayong Martes na 15 sa kabuuang bilang ng mga nasawi ay mula sa Cebu, apat sa Bohol at isa sa Siquijor.
Ikinategorya ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) head Renato Solidum ang lindol bilang “major earthquake.â€
Aniya umabot na sa 110 aftershocks ang naranasan ng rehiyon kung saan ang pinakamalakas ay naitala kaninang 9:55 ng umaga.
Pansamantala namang kinansela ang operasyon ng mga pantalan sa Bohol at Cebu kahit na walang babala ng tsunami.
Dagdag ni Solidum na mababa ang tsansang magkaroon ng tsunami dahil sa lupa ang sentro ng lindol.
Kaugnay na balita: 9 patay sa 7.2 magnitude quake sa Visayas - OCD
Samantala, isang apat-na-taong gulang na babae ang namatay matapos magkaroon ng stampede sa Pinamungahan, Cebu, ayon kay Social Welfare and Development secretary Dinky Soliman.
Nakatakda ang pamamahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno sa Pinamungahan nang tumama ang lindol kaya naman nagkagulo ang mga taong nakapila.
- Latest
- Trending