MANILA, Philippines – Matapos makipagtalo sa kanyang misis, pinutol ng isang karpintero ang sariling ari sa likod ng kanilang bahay sa Mandaue City, ayon sa isang barangay captain ngayong Lunes.
Sinabi ng kapitan ng Barangay Tabok na si Jun Suico, pinutol ni Federico Ilustrico, 46, ang kanyang ari gamit ang isang shaving blade nitong Linggo.
Bago putulin ang ari, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang karpintero ang kanyang asawa.
Matapos ang pagtatalo, kaaagad tumungo si Ilustrico sa likod ng kanilang bahay at pinutol ang kanyang ari.
Dagdag ng kapitan na unang ginamit ni Ilustrico ang mapurol na kutsilyo ngunit hindi ito tumalab sa kanyang ari.
"Sinubukan nya yung kutsilyo kaso parang mapurol," kuwento ni Suico sa isang panayam sa telepono.
Isinugod sa ospital si Ilustrico matapos rumesponde ang mga tauhan ng barangay sa bahay ng biktima.
Sinubukan namang hanapin ng mga awtoridad ang naputol na ari ngunit hindi na ito natagpuan.