^

Balita Ngayon

Storm signal itinaas sa 33 lugar sa paglakas ni 'Santi'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakataas ang public storm warning signal sa 33 lugar sa Luzon dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong "Santi" ngayong Biyernes ng umaga.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa 340 kilometro silangan ng Baler, Aurora kaninang alas-4 ng umaga.

Taglay ni Santi ang lakas na 120 kilometers per hour at bugsong aabot sa 150 kph habang gumagalaw pa-kanluran sa bilis na 15 kph.

Signal no. 3 sa buong probinsya ng Aurora kung saan inaasahang tatama ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw.

Nakataas naman ang Public Storm Warning Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Isabela
Ifugao
Nueva Vizcaya
Quirino
Benguet
La Union
Pangasinan
Tarlac
Zambales
Northern Quezon
Polilio Island
Pampanga
Bulacan

Signal No. 1 naman sa:

Souther Cagayan
Kalinaga
Abra
Mt. Province
Ilocos Sur
Bataan
Metro Manila
Rizal
Cavite
Batangas
Laguna
Lubang Islands
Quezon
Marinduque
Camarines Sur
Camarines Norte
Albay
Catanduanes

Ipinagbabawal na ng mga awtoridad na pumalaot ang mga mangingisda maging ang operasyon ng mga pantalan ay kinansela na.

“Sea travel is risky over the eastern seaboard of Northern Luzon and Visayas,” pahayag ng PAGASA.

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILOCOS SUR

LA UNION

LUBANG ISLANDS

METRO MANILA

MT. PROVINCE

NAKATAAS

NORTHERN LUZON AND VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with