MANILA, Philippines – Hindi ilalagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa mga tanggapan ng Philippine National Police dahil sa pagkamatay ng dati nitong hepe na si Leandro Mendoza, ayon sa tagapagsalita ng pulisya ngayong Martes.
Sinabi ni Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac na para lamang sa mga aktibong pulis na namatay sa bakbakan ang half mast.
"After research with our HRD (Human Resources Department) and consultation, sad to say were not able to do the half mast , because the late General Leandro Mendoza should be active...normaliy the half mast is granted to active PNP officers," pahayag ni Sindac.
Dagdag niya na hindi titulado ang half mast rite sa mga retiradong pulis.
"Hindi lang talaga entitled 'yung retired PNP officers... ideally, yung ganun, yung killed in action," dagdag ni Sindac.
Pero sinabi ni Sindac na may mga ibang seremonya ang ibibigay kay Mendoza na nagsilbi ring kalihim ng Department of Transportation and Communications noong panahon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.
"May appropriate ceremonies naman, that would be discussed by the protocol committee...I have not yet received word from the family... kung dadalhin dito sometime sa Camp Crame...," he said.
Sinabi pa ni Sindac na hindi pa niya nakakausap ang naiwang pamilya ni Mendoza.
Namatay kahapon si Mendoza sa edad na 67.
Ex-DOTC chief Leandro Mendoza pumanaw na