^

Balita Ngayon

P5M tsongki sinilaban sa Ilocos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinunog ng mga awtoridad ang P5 milyong halaga ng marijuana sa Ilocos Sur, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Martes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nasabat ng mga tauhan ng ahensya ang 21,200 piraso ng halaman ng Marijuana at 10,600 piraso ng mga binhi nito sa siyam na taniman sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.

Sa pinagsamang puwersa ng Regional Office 1, Sugpon Police, Ilocos Sur Provincial Public Safety Company at Ilocos Sur Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ay sinunog nila ang 3,940 kuwadrado metrong pananiman nitong Oktubre 4.

Aabot sa P5,088,000 ang halaga ng mga Marijuana base sa pagtataya ng Dangerous Drugs Board.

"The illegal hemp worth P5,088,000 based on the value set by the Dangerous Drugs Board, were burned on site following the eradication operation," pahayag ni Cacdac.

AABOT

ARTURO CACDAC JR.

BARANGAY LICUNGAN

CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

REGIONAL OFFICE

SUGPON POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with