167 tiklo sa Comelec gun ban
MANILA, Philippines – Umabot na sa 167 katao ang nasakote dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.
Sinabi ng Philippine National Police ngayong Lunes na 156 sa kabuuang bilang ng mga naaresto ay mga sibilyan.
Tatlo sa mga nadakip ay miyembro ng PNP, isang opisyal ng gobyerno, at pitong security guard, ayon pa sa mga pulis.
Nasa 135 iba’t ibang armas naman ang nasabat ng mga awtoridad mula sa kanilang mga naaresto.
Sinabi pa ng PNP na 45 matatalim na armas, walong granada, 23 pampasabog, at 1,192 iba’t ibang bala ang kanila pang nakumpiska.
Nitong Setyembre 28 nagsimulang ipatupad ang gun ban at magtatagal ito hanggang Nobyembre 12.
Nakatakdang gawin ang barangay elections sa Oktube 28.
Nitong nakaraang linggo ay idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang araw ng halalan bilang regular holiday upang makaboto ang mga Pilipino.
- Latest
- Trending