MANILA, Philippines – Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y pamimili ng boto.
Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na diniskwalipika ng first division ng poll body si Norzagaray, Bulacan Mayor Alfredo Germar na miyembro ng Liberal Party ni Aquino.
Dagdag ni Jimenez na maaari pang umapela si Germar dahil hindi pa naman ang Comelec en banc ang nagdesisyon.
Nitong Mayo 2013 ay dinaig ni Germar sa dikitang laban si Feliciano Legaspi Sr. ng National Unity Party.
Nakakuha ng 13,944 na boto si Germar, habang si Legaspi ay umani ng 13,118 na boto.
Naunang diniskwalipika ng Comelec si Laguna Gov. Emilio Ramon “ER†Ejercito dahil sa umano’y labis na paggastos sa nakaraang eleksyon.
Nabatikos ang poll body na pawang mga kalaban ng administrasyon ang pinag-iinitan. Miyembro ng United Nationalist Alliance si Ejercito.
Itinanggi ni Comelec chairman Sixto Brillantes na wala silang tatanggaling mga kaalyado ni Aquino.
“Hindi totoo yon,†pahayag ni Brillantes nitong nakaraang linggo. “Nag-file na kami ng election offense noong nakaraang linggo, Liberal ito. Wala lang sigurong nagpa-publicize.â€
Kaugnay na balita: Kapartido ni Noy may kaso rin - Brillantes
Sinabi pa ni Brillantes na hindi lamang si Ejercito at Javier ang kanilang makakasuhan matapos lumabag sa mga patakaran ng Comelec noong campaign period.
“Marami pa, marami pa kaming tinitignan,†babala niya.