MANILA, Philippines – Iginiit ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules na naaayon sa Saligang Batas ang umano'y maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sinabi ni Aquino na ginagamit ang DAP upang mapabilis ang serbisyo ng gobyerno at upang makapagpasok ng karagdagang pondo.
"Kakabasa ko lang sa Constitution, merong authority sa savings na to put to other uses, basta nandoon sa ating budget," pahayag ni Aquino.
Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas sila ng milyun-milyong pondo at ibinigay sa mga mambabatas upang matulungang lumakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng mga proyekto.
Para naman kay Senator Miriam Defensor-Santiago, ilegal ang pagpapalabas ng DAP dahil hindi ito kabilangan sa 2011 o 2012 national budget.
Dagdag ng Senador kahapon na kinuha ang pondo ng DAP mula sa mga umano’y hindi pa tapos at hindi kumikitang proyekto ng gobyerno.
Aniya maaari lamang maglipat ng pondo o fund transfer kung mayroong mga “savings†mula sa mga natapos na proyekto ng gobyerbo.
Sinuportahan naman ni dating senador Joker Arroyo ang sinabi ni Defensor na ilegal ang DAP dahil hindi ito nabuo sa kongreso.
“This is their (DBM) own creation and I got involved in this because of the P47 million requested,†banggit ni Arroyo.
“Being a creation of the department, that (DAP) is illegal. And disbursements of that, would also mean illegal," dagdag ng senador.
Kahapon din ay sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may basehan ang paglalabas ng DAP.
Tinukoy ni valte ang Article VI, Section 25 (5) ng Saligang Batas at ang Chapter 5, Book VI, Sections 39 at 49 ng Administrative Code.
Sinabi pa ng Palasyo na kasamang tinanggal ni Aquino ang DAP nang ibasura nila ang pork barrel ng mga mambabatas.
"Tinanggalan ko yung kakayahan kong mamudmod [ng pera]," sabi ni Aquino ngayong Miyerkules.
Pinasinungalingan din ni Aquino ang paratang ni Senator Jinggoy Estrada na ginawang suhol ang DAP sa mga bumoto upang mapatalsik ang dating Chief Justice Renato Corona.
Aquino also denied Senator Jinggoy Estrada's assertion that the additional funds sourced from the DAP that were received by some senators were released as bribes to lawmakers during the Corona impeachment trial.