Claudine hinamon si Raymart magpa-drug test
MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng kampo ni Claudine Barreto ngayong Martes ang akusasyon ng asawang si Raymart Santiago na siya ay drug adik.
“It was very clear that nilabas nila yung video para pahiyain yung kliyente ko but there’s no truth to the rumors na pino-propogate nila na my client is a drug addict,†pahayag ng abogado ni Claudine na si Ferdinand Topacio.
Sa ipinasang counter-affidavit ni Raymart laban sa kasong isinampa ni Claudine, sinabi niyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang misis.
Kaugnay na balita: Raymart naghain ng counter-affidavit vs Claudine
Kalakip ng affidavit ni Raymart ang mga larawan kung saan ipinapakitang gumagamit ng droga si Claudine.
Sinabi pa ng kampo ni Claudine na walang kinalaman ang counter-affidavit ni Raymart sa isinampa nilang kaso na paglabag sa Violence Against Women and Children (VAWC).
â€â€¦probably humiliate my client and para magalit sa kanya ang publiko at mapahiya siya, which shows the kind of person that Mr. Santiago is,†sabi ni Topacio.
Dagdag ng abogado na anti-aging treatment na “Gerovital H3†ang itinuturok ni Claudine sa video.
“For convenience, siya na yung nagtutusok ng Gerovital,†paliwanag ni Topacio. “Yun yung nakita sa video.â€
‘Hinahamon kita’
Hinamon din ni Claudine ang asawa na magpa-drug test upang malaman kung sino ang tunay na drug addict.
“Ang gusto ko ay magpa-drug test ka, para mawala na talaga lahat ng bahid na drug addict ka kung pumasa ka. At gusto kong itong araw na nito, kasama ako at isang abugado. Kung maari ipa-video naitn. Nagulat ako sa sagot ni Claudine, ‘Oo, dad. Papasundo kita’,†sabi ni Topacio.
Ipinakita rin ni Topacio ang resulta ng drug test ni Claudine mula Oktubre 11, 2011 hanggang Abril 8, 2013, na saklaw sa petsang inilahad ni Claudine sa isinampang kaso kontra kay Raymart.
Bukod dito ay pinakita rin ng abogado ang resulta ng drug test kahapon ni Claudine kung saan negative sa 10 ilegal na droga ang drama actress.
“Hinintay naming ang results. Complete ang hinihingi namin, sampu, hindi lang dalawa. This was done yesterday, negative and passed lahat.â€
“So, ngayon, sino ang sinungaling? Ngayon hinahamon ko siya na magpa-drug test rin. Kasi huling kita ko sa kanya sa TV parang may tama. Magpa-drug test siya, ako na magbabayad, para hindi niya sabihin na pinagastos ko pa siya. Iyon ang hamon ko sa kanya,†dagdag ni Topacio.
Samantala, sumagot sa isang panayam sa telebisyon ang abogado ni Raymart na si Ruth Castelo at pinabulaanan ang mga sinasabi ng kampo ni Claudine.
“They can deny everything that he said. We submitted the evidences already and it's up to the prosecutor to determine the validity whether or not our evidences are admissible,†banggit ni Castelo.
- Latest
- Trending