MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Oktubre 28 bilang special non-working holiday upang bigyang daan ang barangay elections.
Pinirmahan ni Aquino ang Proclamation 656 nitong nakaraang linggo upang maging nationwide holiday ang araw ng eleksyon.
"It is important to give the people the fullest opportunity to participate in the said elections and exercise their right to vote," pahayag ni Aquino.
Kahapon ay naglabas ang Palasyo ng listahan ng mga holiday para sa taong 2014.
Kaugnay na balita: Listahan ng mga holiday sa 2014 inilabas ng Malakanyang
Bukod sa mga regular holiday ay isinama ni Aquino ang ang paggunita ng Spring festival ng mga Chinese o mas kilala sa tawag na Chinese New Year sa Enero 31, 2014 bilang special (non-working) holiday.