MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na puro taga oposisyon lamang ang kanilang kinakasuhan kasunod nang pagdiskwalipika nila kay Laguna Governor Emilio Ramon “ER†Ejercito.
Sa isang panayam sa telebisyon ngayong Biyernes ay sinabi ni Brillantes na kinasuhan din nila ng election offense si Antique Governor Exequiel Javier.
“Hindi totoo yon,†pahayag ni Brillantes tungkol sa haka-hakang walang kinakasuhang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.
“Nag-file na kami ng election offense noong nakaraang linggo, Liberal ito. Wala lang sigurong nagpa-publicize.â€
Sinabi pa ni Brillantes na hindi lamang si Ejercito at Javier ang kanilang makakasuhan matapos lumabag sa mga patakaran ng Comelec noong campaign period.
“Marami pa, marami pa kaming tinitignan,†babala niya.
Inihayag naman ni Comelec spokesperson James Jimenez sa kanyang Twitter account ang sinabi ni Brillantes.
What singling out? We filed an election offense case against the governor of Antique. Ang partido nya, LP - @ChairBrillantes
— James Jimenez (@jabjimenez) September 27, 2013
Ipinaliwanag din ng pinuno ng poll body na mayroon complainant si Ejercito kaya napadali ang pagsampa ng kaso sa gobernador.
“Kaya lang nauna itong kay ER kasi may complainant ito, may ipinasang dokumento. Vinerify lang namin sa network at nakapirma siya sa tingin naming.â€
Kahapon ay diniskwalipika ng Comelec si Ejercito dahil sa umano’y labis na paggasta sa halalan nitong Mayo.
Kaugnay na balita: Laguna Gov. ER Ejercito diskwalipikado - Comelec
Sinabi ni Brillantes kahapon na gumasta ng P6 milyon si Ejercito para sa mga advertisement pa lamang.
Nakasaad sa patakaran ng Comelec na tanging P3 kada botante lamang ang puwede gastusin ng bawat kandidato ngunit somobra siya ng P1.5 milyon.