Derek walang paki kung may sex video si Cristine

MANILA, Philippines – Walang pakialam ang Kapatid actor Derek Ramsay sa tsismis na may kumakalat na sex video ang bagong girlfriend niyang si Cristine Reyes.

Inamin ni Derek na nakatanggap siya ng text message na nagsasabing may scandal si Cristine at ang ex niyang si Rayver Cruz at pinagtawanan lamang ito.

“I didn’t bother opening it. I know what it is. I didn’t even bother,” komento ni Derek nang makausap ng mga writer kahapon.

Aniya hindi na niya tinanong pa ang si Cristine kung totoo ito dahil hindi na naman kailangang pag-usapan pa.

“I don’t even know if she knows. She didn’t speak to me about it. I didn’t speak to her about it. Hindi na namin kailangan pag-usapan yun,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Derek na kung totoo man ay wala rin siyang pakialam dahil nakaraan na lamang ito.

“And even if there is (a video), it doesn’t matter because the past is the past.”

Nitong Agosto lamang inamin nina Derek at Cristine ang kanilang relasyon.

Nang tanungin kung hindi ba siya nag seselos dahil close pa rin si Cristine sa dating mga boyfriend na sina Dennis Trillo at Rayver Cruz sinabi niyang hindi siya ganung tao.

“Hindi ako yung selosong type, e. Not at all.”

Show comments