^

Balita Ngayon

Laguna Gov. ER Ejercito diskwalipikado - Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatanggalan ng karapatan ng Commission on Elections (Comelec) si Emilio Ramon “ER” Ejercito sa pagkapanalo niya bilang gobernador ng Laguna dahil sa umano’y labis na paggasta sa halalan nitong Mayo.

Inanunsyo ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, sa kanyang Twitter account ang desisyon ng 1st division ng poll body nitong Huwebes ng hapon.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Jimenez na gumasta ng P6 milyon si Ejercito para sa mga advertisement pa lamang.

Nakasaad sa patakaran ng Comelec na tanging P3 kada botante lamang ang puwede gastusin ng bawat kandidato ngunit somobra siya ng P1.5 milyon.

Dagdag ni Jimenez na may limang araw si Ejercito upang maghain ng motion for reconsideration at tanging ang Comelec en banc lamang ang makakapagdesisyon nito.

Pero nilinaw pa ng tagapagsalita na hindi pa “executory” ang desisyon ng Comelec.

Ipinaliwanag ni Jimenez na kung sakaling mapatalsik nang tuluyan si Ejercito ay si Laguna Vice Governor Ramil Hernandez ang uupo sa pinakamataas na puwesto ng probinsya.

COMELEC

EJERCITO

EMILIO RAMON

JAMES JIMENEZ

JIMENEZ

LAGUNA GOV

LAGUNA VICE GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ

TWITTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with